Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Tito binulabog ang showbiz

0 899

NI: ROLDAN CASTRO
Usap-usapan ngayon ang posibleng tandem nina Senator Ping Lacson at Senator Tito Sotto sa nalalapit na Presidential election.

Nagkaroon ng sari-saring reaksyon sa pahayag ni Tito Sen na kung tatakbo siyang Vice President, gusto niya ay si Ping ang tatakbong pangulo.

“First of all, I’m still considering it… and if I do consider it, the number one on my list would be Sen. Lacson. I know his capability. I know what he can do for the country.

“If he runs for president, I will support him!,” deklara niya sa interbyu ni Karen Davila.

Marami ang excited sa tandem nina Ping at Tito. Nabulabog ang mga taga-showbiz sa tsikang ito.

Positive naman ang feedback ng ilang showbiz insider kung sakaling tatakbong Presidente ulit si Lacson.

SM food to go Banner Ad

“Matalino si Ping, bagay na Presidente.”

“Baka si Ping ang iboto ko.Pero tingnan muna natin ang mangyayari.”

“Siya ang nakikita ko na totoong may malasakit sa tao at sa bansa natin.”

“Malakas noon si Lacson naghati lang sila ni FPJ ng boto kasi di nag-give way ang isa sa kanila.”

“Magiging history pag nag-win si Ping. Mahirap kasi sa mga presidentiables na tumakbo before ang manalo pag tumakbo ulit. As far as my knowledge is concern, ‘di pa nangyayari ‘yun sa ‘Pinas.”

Abangan na lang natin kung matutuloy ang Ping-Tito tandem.

Leave A Reply

Your email address will not be published.