Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping-Tito may puwersa sa Batangas

0 132

Nakakuha ng suporta ang kandidatura ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson para sa presidential elections sa 2022 election mula sa ilang taga-Batangas.

Ayon sa grupong Friends & Supporters of Ping Lacson, tiwala sila sa kakayahan ng senador na mabago ang bansa.

Patunay umano nito ang naging paglaban ni Lacson sa maling paggamit ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“With Lacson at the helm, the group believes that the nation will be better economically and politically again,” pahayag ng grupo.

Bukod kay Lacson, suportado rin ng samahan ang kanyang running mate na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Ang Lacson-Sotto tandem pa lamang ang nagpahayag ng pagtakbo para sa 2022 elections. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.