Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Tito tinitimbang na pagtakbo sa 2022

0 369

Naghihintay pa rin ang National People’s Coalition (NPC) sa desisyon ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa kanyang posibleng pagtakbo sa mataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na halalan.

“Most of my partymates are waiting for me to decide on my political career,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

Sabi pa ni Sotto, maging si Senador Panfilo `Ping’ Lacson ay tinitimbang pa rin ang opsiyon hinggil sa posible nilang pagtatambal sa 2022 elections.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“He is weighing his options. We might do some consultations with friends and partymates during the break,” ayon kay Sotto.

Nauna nang sinabi ni Sotto na kinukonsidera niyang tumakbo sa pagka-bise president sa susunod eleksiyon.

Ihahayag umano ni Sotto ang kanyang desisyon matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sinabi pa ni Sotto na sakaling tumakbo siya sa pagka-bise presidente ay gusto niyang maging presidential candidate si Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.