Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Tito walang atrasan

0 59

Kahit birthday niya noong nakaraang linggo, subsob pa rin sa trabaho itong si Senate President Tito Sotto. Kaya naman binati na lang siya ng mga dabarkads at “partner” na si Senador Ping Lacson.

Talaga yatang seryoso pagdating sa trabaho itong si Tito Sen kaya siguro siya ang piniling bise presidente ng tatakbong pangulo na si Ping sa 2022 national elections.

Dahil may sesyon ang Senado at maraming trabaho, pumasok si Tito Sen kaya binati na lang siya ng mga dabarkads ng Eat Bulaga habang nasa opisina siya.

Siyempre, damang-dama ang pagmamahal ng mga dabarkads kay Tito Sen, sa pangunguna nina Bossing Vic Sotto at Henyo Master Joey de Leon. Bumati rin kay Tito Sen ang mga anak niya, at ang anak ni Vic na si Pasig Mayor Vico Sotto at Tali.

SM food to go Banner Ad

Iiisa ang hiling nila kay Tito Sen na 73-taong-gulang na pala — ang maging malusog na katawan, ligtas sa sakit, at makamit ang mga pangarap at patuloy na pagsisilbi sa mga tao. Malamang na kasama doon yung “pangarap” ni Tito Sen na maging Tito Vice uli–vice president.

Makikita naman sa pagbati ni Sen. Ping ang closeness nila ni Tito Sen na tinawag niyang “partner.” Ang mga tunay na tropa o magbabarkada kasi, walang drama pag nagbabatian pero dama mo yung sinseridad ng mensahe.

Sabi ni Sen. Ping kay Tito Sen, nag-abot na ang edad nila pero, “Wala na tayong iwanan, wala na tayong atrasan,tuloy-tuloy na ang laban saan man makarating, magkasama tayo.”

O di ba ang sweet? Ganyan ang samahan, walang iwanan kahit sino pa ang makatapat nila sa 2022. Sabi nga noon ni Ping, “nakataga na sa bato” ang kanilang tambalan.” Kaya mahirap nang tibagin ‘yan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.