Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping walang labis, walang kulang para kay Kim!

0 151

Sa mahusay lang tumataya si Kim Henares na bagama’t hindi politiko ay nakilala sa larangan ng politika dahil sa ginawa niyang masinop na pangangasiwa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nang ito ay kanyang pamunuan sa ilalim ng Pnoy administration.

Kaya masasabing bago siya magpasyang i-endorso ang kandidatura sa pagkapangulo ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ay nakaliskisan na niya nang mabuti ang mga katangian nito lalo na sa kasalukuyang panahon na ang bansa ay binabalot pa rin ng pandemya ng COVID-19.

Isa sa mga unang katangian na hanap ni Henares sa dapat na maging sunod na Pangulo ng bansa ay ang pagiging respetado.

Sa panahon ngayon na karamihan ay nasasangkot sa korapsyon at eskandalo, sino na lang ba ang natitirang karespe-respeto?

Ang sagot diyan ni Kim ay si Ping Lacson, walang labis, walang kulang, eksakto!

At eto pa nga mga katagang binanggit ni Henares sa wikang Ingles sa kanyang Facebook post.

“We need someone who can hit the ground running, who [has] a clear vision on what he/she wants to do, and [has] a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild).”

Mahalaga para kay Kim Henares ang disiplina at sa dinami dami ng mga kumakandidato sa pagkapangulo, kay Ping niya lang nakita iyon.

Nakita rin agad ni Kim ang kongkretong plano ni Ping.

“It is clear he has a plan for governing. And this is the reason why I am supporting Ping Lacson.
Furthermore, if PNoy thought Ping Lacson was worthy enough to help him during his administration, then I do not see why I should not consider him as my candidate.”

Kaya ayan, malinaw na malinaw na kung sino ang tunay na tumatatak kay Kim sa ganito pa lamang kaagang panahon.

Ang isa pang binabanggit ni Kim ay ang pagkakahawig ng estilo ng pangangasiwa nina Ping at yumaong si Pnoy.

Ang dalawa ay mayroong tugmang programa na repormahin ang proseso sa pambansang badyet at kapwa din naniniwala ang mga ito na dapat pagtuunan ng pansin ang mga maliliit na kumunidad para ang pamumuhay ng mga mamamayan ay makahabol sa mga nauna nang umasenso.

Patas na laban para sa lahat ‘ika nga.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.