Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingoy ‘takot’ kay Abueva

0 297

Kinuwento ni PBA aspirant Jerie Pingoy ang kanyang naging experience nang unang makaharap sa court si Calvin ‘The Beast’ Abueva.

Isa si Pingoy sa mga susubok makatungtong sa PBA sa April 9 makaraan ang virtual Draft muna sa March 14.

Nasa FEU-Diliman pa si Pingoy nang makipag-training siya sa collegiate team kung saan nakalaban nila ang NLEX sa PBA D-League, dating team na kinabilangan ni Calvin.

Literal na nakabangga niya si Abueva nang subukang magpakilala.

“Binangga ko siya ng malakas tapos tinanong [niya], ‘Sino ‘yung bata na ‘yon?’” kwento ni Pingoy sa ‘Sportalakan’ ng Abante News Online nitong Biyernes.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang sabihan nina Terrence Romeo at RR Garcia na si Abueva ng kanyang nabangga, agad siyang nag-sorry.

“Nag-sorry ako sa kanya kasi ‘di ko alam,” sambit ni Pingoy. “Sinabihan lang ako na ‘Ayos yon. Tuloy mo lang ginagawa mo.’”

Nang tanungin kung babanggain niya pa ba sa PBA si Abueva, napailing na lang ang PBA draftee.

(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.