Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris bet ni Santillan

0 254

Isa sa mga dapat abangan para sa darating na 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 Leonard Santillan na handang magpasiklab sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

Pero kung ang 6-foot-4 hooper ang tatanungin, bukod sa inaasam-asam na makapalaot sa liga, pangarap nitong makakampi si Magnolia Hotshots Pambansang Manok foward Jean Marc Pingris.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para sa Lapu-Lapu City native, nakaka-relate umano siya sa tinahak ng kilalang basketbolista sa kanyang career.

“Kaya gusto kong team ang Magnolia dahil nandoon ‘yung idol ko at gusto ko siyang maging teammate,” lahad ni Santillan.

Siya’y produkto ng University of Visayas at De La Salle University si Santillan bago umariba sa Marinerong Pilipino sa PBA D-League, Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at Chooks-to-Go Pilipinas 3×3. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.