Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris busy sa bagong baby

0 264

Dahil hindi pa napapasabak sa team basketball training si Philippine Basketball Association (PBA) veteran Jean Marc Pingris, buhos-oras muna siya sa paglalaro ng DOTA.

Pinasilip kahapon sa kanyang Instagram story ng Magnolia Hotshots player, na hindi bola ang hawak ng basketbolista kundi mouse at keyboard para makipagsapalaran sa nasabing Multiplayer Online Battle Arena (MOBA).

“Game time baby!” caption ng Pinoy Sakuragi kasama ang litrato ng kanyang gaming laptop.

Matagal na panahon nang kilala ang 38-year-old, 6-foot-4 power forward bilang DOTA player.

Naging kalaro pa niya ang long-time bestfriend at rival sa paint na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.