Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris hirit huling season

0 100

Tuparin ang hiling ng anak na makita itong muli sa aksiyon sa loob court ang inspirasyon ni Marc Pingris.

Ito ay matapos na ipaalam ng kinikilalang ‘Pinoy Sakuragi’ na nais na lamang nitong maging kompetitibo at maglaro sa loob ng isang taon upang pormal na mabigyan ng magandang paglisan ang paglalaro nito sa PBA.

“Sa totoo lang, wala na akong dapat patunayan,” sabi ni Pingris. “Gusto ko pa maglaro ng isang season para matupad ang hiling ng anak na makita ako ulit sa loob ng court.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Pingris ay sa isa sa mga kinilala sa laro at ayaw nito iwan ang laro na hindi kaaya-aya na isa sa mga bagay na ipinangako niya sa kanyang anak na si Jean Michael.

“Sabi niya,‘ Dad, I want to see you play again. ’Sumagot naman ako sa kanya,‘ I promise you, Daddy will play again,” sabi ni Pingris.

Sa nakalipas na taon, ay pinatunayan ni Pingris ang pagiging matibay na manlalaro kung saan dinaanan nito ang ilang injury. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.