Abante Tonite Interactive

Pingris kinumpisal na lodi si Taulava

0 498

May matagal na kinubli sa lahat si Jean Marc Pingris kung sino ang idolo niya upang maging isa rin sa magagaling at matagumpay na player ng Philippine Basketball Association (PBA) sapul nang maging third overall pick ng Federal Express sa 2004 Rookie Draft.

Siya ay si NLEX (North Luzon Expressway) center Paul Asi Taulava na sinusubaybayan niya mula pa sa Philippine Basketball League (PBL) hanggang sa maging 1999 direct hire ng Mobiline (Talk ‘N Text Text na ngayon).

“Asi you don’t know this, but you’re my idol,” sambit ng 38-year-old, 6-foot-4 Magnolia Chicken power forward at Pangasinan native. “I used to watch you play in the PBL. Grabe, you’re so strong, you’re a monster.”

Magkasama sina Pingris at Taulava sa ikatlo’t pinale ng PBA Kamustahan 30-minute episode 1 podcast na dinaluhan din nina six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, John Paul Erram ng TNT, Beau Belga ng Rain or Shine at PBA commisioner Willie Marcial.

Hinirit pa ni Pingris na may siyam ng championship, na ang 47-anyos at 2003 MVP na si Taulava ang Shaquille O’Neal ng PBA.

Masaya at napasalamat naman si The Rock kay Sakuragi sa nabatid na siya ang lodi nito sa pro league.(Ramil Cruz)

Tonite – Wendys Inhouse Ad