Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris tagilid sa Magnolia

0 74

Nasa Magnolia Hotshots na si Calvin Abueva, makakasama na muli ang kasangga niya noong college sa San Sebastian na si Ian Sangalang.

Ang isa pang kaibigan ni Calvin na si Marc Pingris, wala pang kasiguruhan kung maglalaro sa papasok na 46th season ng PBA o magre-retiro na.

Sina Calvin at Ping ang haligi ng makulit na depensa noon sa Gilas.

Nitong nagdaang ilang seasons, pigil ang laro ng Pinoy Sakuragi dahil sa injuries.

Huling taon ng kontrata ng defense specialist sa Hotshots noong 2020, pero hindi siya nakasama sa Philippine Cup sa Pampanga bubble dahil nagpapagaling pa.

Hindi pa sigurado kung pipirma ng bagong deal si Pingris.

Ayon kay Chito Victolero, si Ping lang ang makakasagot.

“I don’t want na magsalita para kay Ping. He’s been through a lot,” salag Biyernes ng Pambansang Manok coach. “Ang sabi ko sa kanya, kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung ano tingin mo na makabubuti sa’yo, we will respect it.”

Tutulong pa aniya ang team kung anuman ang plano ni Pingris.

Sa susunod na buwan, inaasahang may desisyon na si Pingris, 39.

“Right now nagre-recover pa siya,” panapos na wika ng coach. “Siguro by March, baka makabalita na tayo.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.