Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris mama’s boy

0 453

Sa kaarawan ng ina ni PBA star Jean Marc Pingris Jr. ng Magnolia Pambansang Manok, inalala niya ang naging sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

Ibinahagi ng 39-year-old, 6-foot-4 veteran forward at Pozorrubio, Pangasinan native, ang larawan nilang mag-ina sa kanyang social media nitong Martes.

“Salamat sa pagmamahal mo sa aming magkakapatid. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo. ‘Di ko mararating ang mga pangarap ko kundi dahil sa iyo,” litanya ng Pinoy Sakuragi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinirit ni Pingris, na ang kanyang ina ang naging inspirasyon niya para sa pagsusumikap sa buhay.

Naging inspirasyon niya aniya ang lakas ng loob na pinakita ng kanyang ermat. Proud din na inilagay ni Ping na siya ay isang tunay na mama’s boy.

“Luv u Mama #mamasboy #proud #puso.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.