Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris mami-miss laban sa Ginebra

0 310

Kahit na nakakatanggap ng mga boo, numero unong mami-miss ni former Philippine Basketball Association star Jean Marc Pingris ang mga fan na mga tagasuporta ng liga.

Martes ng nakaraang linggo, inanunsyo n9 39-anyos, 6-4 ang taas na forward at tubong Pozorrubio, Pangasinan ang kanyang pagreretiro sa Instagram account makalipas ang 16-year playing career.

“You know, No. 1 na mami-miss ko ang fans, promise. No joke ‘to. No. 1 mami-miss ko talaga ang mga fan,” sey ng nine-time pro league champion Lunes via ABS-CBN.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa pang kasasabikan o hananap-hanapin ng two-time Finals MVP at 15-time All-Star ang ‘Manila Clasico’ series ng Magnolia Hotshots at Barangay Ginebra San Miguel kahit pa nakatanggap aniya siya nang katakot-takot na mga boo sa diehard fans ng Gin Kings.

“Yung laro, especially ng Manila Clasico napakasarap talaga, ‘pag kalaban mo ang Ginebra. So ‘yun ang isa pang mami-miss ko, kahit nga binu-boo ako, talagang mami-miss ko ‘yun. Yung may magagalit sa akin na fans,” hirit pa ng basketbolista .

“Talagang makikita mo na sinusuportahan nila ang mga idol nila. But ganyan talaga ang basketball, may hangganan. ” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.