Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris may obra na

0 393

Bukod sa pagbabasketbol, nagpamalas din ng ibang talento si Philippine Basketball Association (PBA) star ‘Pinoy Sakuragi’ Jean Marc Pingris bilang pintor.

Sa IG post ng 38-year-old, 6-foot-4 forward, imbes na bola ay lapis at paint brush ang hawak niya habang tinatapos ang kanyang obra.

Aminado mang hindi pa hasa sa pagpipinta ang Magnolia Hotshot veteran, hindi aniya siya sumuko at giniit na lahat ng pinaghihirapan ay makakamtan kung magtitiyaga lang. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.