Abante Tonite Interactive

Pingris nagulat sa Gilas pool!

357

Gaya ng mga netizen at karamihang cage fan, gulantang din si Jean Marc Pingris na mapapabilang pa siya sa Gilas Pilipinas training pool.

Isinama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Magnolia forward sa Philippine Basketball Association (PBA) sa kabila na 38-anyos na at nabalot nang iba’t ibang injuries sa nakalipas na ilang mga taon.

Nagpapasalamat ang player sa tila himalang pagpasok pa niya sa 24-man Gilas pool na pag­huhugutan ng 2020 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifiers 2020 na para sa 32nd Summer Olympic Games sa darating na Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

“Seryoso ba ‘yan?” tanong ni Pingris? “But honestly, I feel blessed just to have my name included in the pool. We all know I just reco­vered from a knee injury so to me, it’s a big surprise.”

“I’ll still give my 100 percent in practice to try to get to the final 12.”
Makakabangga ni Pingris sa center position sina Japeth Paul Aguilar, ng Barangay Ginebra San Miguel, Christian Karl Standhardinger ng NorthPort, John Paul ‘Poy’ Erram ng NLEX at Justine Baltazar.

Dating nagsilbing ‘puso’ para sa Gilas si Pringris nang itumba ang South Korea at mahagip ang silver medal sa 27th FIBA Asia Cup 2013 sa Pasay.
Samantala, agad pumiyok si SBP president Alfredo Panlilio sa hakbang para sa Gilas pool.

Giniit na nais lang muna nilang pagpahingahin si ‘The Kraken’ na mahaba-habang taon na ring nagsisilbi sa national team, pero pansumandali lang anila ito at bahagi pa rin sa long term program ng samahan ang basketbolista kasama sa 2023 FIBA World Cup.

“We all know what we can get from June Mar Fajardo as he has proven himself time and again on the international stage. He has served Gilas for so long and will continue to be a part of the program,” aniya Panlilio. (RP)