Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris ober da bakod sa ABL

0 201

Nakikipagnegosasyon sa kasalukuyan ang Davao Occidental Tigers-Cocolife upang mapirata si Jean Marc Pingris Jr. sa Nueva Ecija Rice Vanguards ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Atat ang Davao na magiging bet na ng ‘Pinas sa 11th ASEAN Basketball League 2022 sa Pebrero, na maisahog ang serbisyo ng dating Philippine Basketball Association player mula sa Magnolia para sa nalalapoit na kampanya sa liga

Magiging pangunahing backer ng team ang San Miguel Corporation. Kapipirma lang ni Pingris sa Rice Vanguards noong Nobyembre tapos magretiro sa Pambansang Manok Hotshots noong Mayo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.