Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pingris pinaglaruan ng anak

0 338

Dahil sa mas mahigpit na quarantine protocol sa bansa, mahigit isang taon nang mas maraming oras ang mga PBA player sa kanilang pamilya.

Sulit na sulit ang family time ni Magnolia Pambansang Manok star Jean Marc Pingris.

Sa ibinidang larawan ng player, nakatuwaan siya ng kanyang anak na babae.

Pinaglalagyan ng bulaklak sa buhok ang Pinoy Sakuragi ng kanyang anak na si Caela.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hair and Makeup by Caela #love #pusongpingris,” caption ng veteran cager.

Natuwa naman ang followers ni Pingris sa kanilang larawan.

Hirit ni @karisexy, “Pwede na sa Ms. Gay Pozorrubio 2021!” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.