Abante Tonite Interactive

Pinikot para pakasal

By
573

Dear Atty. Claire

Ikinasal po ako ngunit pilit lang po ‘yun noong 2009. Napikot po ako noong 17 years old ako. Binago po ang edad ko sa marriage contract namin at ginawang 18. Pumir­ma po ako sa takot sa tatay niyang pulis dahil pinalabas noong babae na nagalaw ko siya kahit po hindi. May kaya ang mga magulang ko at naisip ko na marahil ito ang dahilan para pikutin ako. Noong ikinasal kami at nalaman ko na buntis na siya sa iba niyang boyfriend. May bago po akong girlfriend at gusto ko po siyang pakasalan. Tama po ba na walang bisa ang kasal namin at anytime ay puwede ko siyang pakasalan?

Gumagalang,

Nestor

***
Dear Nestor,

Ayon sa Family Code natin na dapat 18 years old ang taong magpapakasal. Hindi rin dapat na pinilit o napuwersa at wala ring panloloko lalo na at buntis sa iba ang babae nang hindi alam ng lalaking nagpakasal.

Sa kuwento po ay maraming basehan upang ipawalang-bisa ang inyong kasal. Unang-una ay wala ka sa wastong edad na 18 noong ikaw ay nagpakasal. Patunayan kamang menor de edad ka noong araw na kayo ay ikinasal. Maliban dito ay sinabi mong pinikot ka at buntis na pala siya sa iba at ang lahat ng ito ay ground para sa annulment of marriage. Sinasabi sa batas na dapat mapa­kita na ang puwersa o mamimilit o takot ay hindi kayang labanan… at dahil sa sobrang takot ay napilitan siyang gawin ang pagpapa­kasal. Ngunit tandaan na ang simpleng pana­nakot o impluwensiya ay hindi sapat.

Karagdagan dito na kung may panloloko o fraud sa pagpapakasal dahil sa hindi pagsasabi na buntis sa iba ay isang ground din upang mapawalang-bisa ang kasal.

Kakailanganin mo pa rin na magsampa ng petition for nullity of marriage kung ang edad ang basehan natin o annulment of marriage kung ang dahilan natin ay ‘yung undue force and influence exerted on you at ‘yung fraud. Hintayin ang pabor na desisyon  at mairehistro ang desisyon sa local civil registrar concerned at NSO bago magpakasal.

Kung may tanong pa ay tumawag lamang sa (02)410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.