Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinipitik ang COVID-19 vaccine

0 73

Kung mayroon dapat pag-aksayahan ng panahon ang mga mahihilig mag-imbestiga sa panahong ito, isa na dapat dito ang nabistong bentahan ng COVID-19 vaccine na Sinovac.

Kamakailan kasi mga tropapips, nasakote ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlo katao na nagbebenta umano ng Sinovac, at isa kanila ay sinasabing nurse.

Kaya lang, nakatakas naman ang isa pang sangkot sa transaksyon dahil hindi hinarang ang sasakyang ginamit nila sa delivery. Bakit nga ba hindi naharang?

Pero dahil nakuhanan naman ng CCTV ang kotse, tiyak na madali nang matutukoy ng NBI kung sino ang nakatakas. Bukod sa nahuli nila ang isang kasama nito. Aba’y magaling yata ang NBI sa pagtunton ng may-ari ng sasakyan.

Ang Food and Drug Administration (FDA), kinumpirma na tunay ang mga gamot na 300 doses pero hindi pa raw tiyak kung galing nga ang mga ito sa kinuha ng gobyerno o puslit.?

Tunay o peke man ang mga gamot, aba’y malaking problema ‘yan mga tropapips dahil lalabas na posibleng may naglilipanang bakuna na hindi awtorisadong ipagamit sa tao. Puwede pang isipin ng mga taong matataba ang utak na baka magkaroon ng “swap” sa mga tunay na bakuna para ibenta.

Batay kasi sa hitsura ng mga nasabat na gamot, may mga marka ito at nakalagay pa sa sisidlan na may yelo para manatiling mababa ang temperatura na kailangan sa bakuna.

SM food to go Banner Ad

Sa ngayon, gobyerno lang ang awtorisadong mag-angkat ng naturang bakuna at bawal ibenta. Papaano nangyari na nagkaroon ng Sinovac ang nahuling grupo at nagawang ibenta pa?

Kung sasabihin naman nila na hindi galing sa mga inorder ng pamahalaan ang mga gamot, ang magiging tanong ay saan nanggaling ang mga iyon. Naipuslit ba ‘yan sa Pilipinas at nalusutan ba ang Bureau of Customs?

Ang hinala, gagamitin ang mga nakumpiskang mga bakuna sa mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
May nagsasabing baka “peke” raw ang mga bakuna, pero hindi naman siguro engot ang mga POGO worker na magpapaturok ng “tubig” gayung sa bansa nila mismo sa China na nagagaling ang gamot na Sinovac.

Dahil lumilitaw na tunay ang mga gamot, ang tanong ay saan kayang lungsod, o ospital, o warehouse nanggaling ang mga iyon, at sino ang kulokoy na pasimuno?

Ang Palasyo, ipinapaubaya sa NBI ang imbestigasyon pero nagbabala si President Mayor Duterte sa mga sangkot sa bentahan ng COVID vaccine. Ang Department of Health, magsasagawa daw ng sariling imbestigasyon, kahit malamang dapat silang imbestigahan.

Ano kaya ang pakiramdam ni Vaccine zcar at Defense Secretary Carlito Galvez dahil may namimitik ng gamot na order niya kahit kulang na kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa? Abangan natin ang susunod na kabanata. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.