Abante Tonite Interactive

A Pink Son Na-eun inakusahang feminist at naninigarilyo

By
2,648

ANG miyembro ng South Korean girl group na A Pink na si Son Na-Eun ay na-bash nang husto sa kanyang recent Instagram account. Kasalukuyang nasa New York City ang 24-year-old K-pop singer/actress na si Na-eun para um-attend ng ilang fashion activities.

Nasa New York din siya para sa isang pictorial at para umattend din ng Zadig & Voltaire’s new 2018 F/W collection show.

Nag-post si Na-eun ng picture kahapon na nasa isang restaurant, naka-casual na damit at walang make-up. Halatang kaswal-­kaswalan lang ito at naisipang i-share sa kanyang Instagram follower ang moment o mood niya nung oras na ‘yun habang kumakain daw ng breakfast.

Ang caption niya sa kanyang post, “Puffy face in the morning ‘GIRLS CAN DO ANYTHING’.”

Hindi ang pagiging casual ng looks ng Apink member ang isyu lalo na sa mga Korean netizens, kung hindi ang pinost niyang caption at the same time, ang cellphone case niya na parehong nakalagay ang, “Girls can do anything.”

Para sa ilang netizens, ipinagpapalagay nila ito na pagpapakita ng pagiging feminist dahil ito sa on-going campaign ng Zadig & Voltaire brand. Kaya posibleng doon din nakuha ni Na-eun ang kanyang cellphone case.

Ipinagpalagay raw ng ilang netizen na pinapaboran nito ang mga feminists at pati raw ang paraan nito ng pagpo-post, parang sa isang feminist. Nakatanggap ang K-pop singer/actress ng maraming masasakit na salita dahil lang sa Instagram post niya na ‘yun. Pero, isa rin daw sa dahilan kung bakit ito na-bash ay hindi lang dahil sa feminist issue, mas lalo na ang makitang may kaha ng sigarilyo sa tabi ng pagkain nito.

Ipinagpalagay nga ng ilang netizen na posibleng kay Na-eun ang naturang sigarilyo at ito ay gumagamit nito. Kung dito sa bansa, masasabing hindi pa rin ito tanggap ng karamihan lalo na sa mga artista na makitang naninigarilyo o makuhanan na nagsi-cigarette, mas lalo na sa Korean entertainment.

Taboo ang ganitong isyu lalo na sa mga female idols. Kaya ang ending, bukod sa maa­aring na-realize ni Na-eun na may nai-post nga siyang kaha ng sigarilyo, hindi na rin nito kinaya ang mga hate at bash comments sa kanya kaya dinilete na lang niya ang naturang Instagram post.

Si Son Na-eun ay isa sa mga napiling ambassador ng Dongguk University noong 2014 along with Girls Generation member na si YoonA at si Park Ha Sun, na tulad niya ay nag-aral din sa naturang unibersidad.

Bukod sa kanyang recent Korean horror movie na Woman’s Wail ngayong 2018, ang The Most Beautiful Goodbye ang huling Kdrama niya last year. Marami ang mas nakapansin sa kanya sa ginawang variety show sa MBC, ang We Got Married kasama si SHINee Taemin noong 2013-2014 mula sa episode 167-203.