Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinky, Yeng umulan ng datung sa show

0 184

Pasabog talaga ang ‘Grateful Tuesdays’ na ang hosts ay sina Chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino.

Ngayong Martes guest si Mayor Chavit Singson sa naturang show. Uulan talaga ng kadatungan.

Lima ang lucky winner ng P50,000 mula kay Chavit. Ang question lang ay ‘Why should I win P50,000.00?’

Ang magwawagi ay pipiliin sa mga nagpadala ng sagot sa email na ang deadline ay nu’ng November 1 .

Magkakaroon din ng 5 lucky online winner na ang premyo ay P10,000 each. Alamin ang pakulo nina Pinky at Yeng dahil may chance na manalo na ang total ay kalahating milyon.

Ang Grateful Tuesday ay napapanood tuwing Martes,7 PM – 8 PM Live sa CSTV FB Page, Chemist Pinky Tobiano FB Page at CSTV Kumu Account.

Magpapakilig din ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde sa kanilang performance. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.