Abante Tonite Interactive

Pinlanong patayin ng amo sa selos

113

Sir / Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Dagala.
We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona, U-OFW

***

Humihiling na tulungang ma-repatriate sa lalong madaling panahon ang domestic helper (DH) na si DENIA D. DAGALA dahil sa masaklap niyang sitwasyon sa pinagsisilbihang amo sa 106 TAI­BAH  STREET JUBAIL AL SINAIYAH, Saudi Arabia. Oktubre 25, 2015 pa nang simulang mamasukan si DAGALA sa kanyang among si MOHAMMED ALI IBRAHIM OBTAIN.

Narito ang bahagi ng kanyang liham.

“Pinagplanuha­n akong patayin ng among babae dahil sa selos­… hindi pinapakai­n nang tama, sobrang oras sa trabaho. Sana po ay matulungan ninyo akong makauwi… takot na takot po ako.

***

Katuwang ang U-OFW ay nanawagan ang BayaniKa sa PLACEWELL INTERNATIO­NAL SERVICES CORPORATION-CONTACT ang recruitment agency na nagpadala kay DAGALA sa Saudi Arabia na pakinggan at aksyunan ang hinaing ng OFW.

Nauna na ring ipinarating ng U-OFW ang hinaing ni DAGALA sa POEA (Cagayan de Oro City) OWWA (Caga­yan de Oro City) POLO Dammam at Kabisig.

***

Narito ang tugon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) sa na­lathala nating problema ni Norma Erlano Fresnoza sa ginawang pakiki­pag-ugnayan ng aming reporter na si Armida Rico.

Aalamin ng POEA at OWWA kung saang mga ahensiya nagreklamo ang kapatid ni Fresnoza.

Ayon kay Yoland­a Peneranda ng OWWA,makikipag-ugnayan din sila sa recruitment agency ni Fresnoza sa Pilipinas dahil sinasabi kahit anong lapit ng pa­milya ng OFW ay walang aksyong ginagawa.

Pinayuhan ni Peñaranda ang pamilya ni Fresnoza na magtungo sa kanilang tanggapan upang matulungan ito at maihanay sa kanilang repatriation program ng gobyerno para makauwi na ng Pilipinas.