Abante Tonite Interactive

Pinoy ang may likha ng ILOVEYOU virus

16

Alam n’yo bang dalawang Pinoy ang lumikha ng ILOVEYOU virus na naka-damage ng aabot sa 10 bil­yong dolyar sa buong mundo.

Nangyari ito noong Mayo 5, 2000. Ang virus ay nilikha nina Onel de Guzman at Reonel Ramones.

Ang ILOVEYOU virus ay ikinalat gamit ang e-mail, na naglalaman ng ‘ILOVEYOU’ subject na kunwari ay galing sa isang secret admirer na kapag binuksan mo ang attachment ay naglalaman ng worm file name na LOVE-LETTER-FOR-YOU.TXT.vbs.

Abante Hiring – IT dep

Sino ba naman ang ‘di matutuksong buksan ang isang I LOVE YOU e-mail galing sa taong may crush sa iyo. ‘Di ka ba kikiligin? Kaya naman mabilis na kumalat ang virus na ito at matagum­pay na nakapasok hanggang sa US Pentagon.

***

Related Posts

Alam n’yo bang sa bansang America ay 15 porsiyento ng mga kababaihan ang bumibili ng bulaklak upang ipa-deliver sa sarili. 73 porsiyento naman sa mga bumibili ng bulaklak tuwing araw ng mga puso ay mga lalaki samantalang 27 porsiyento ay mga bebot.

***

Tuwing araw ng mga puso ay umaabot sa isang bilyong Valentine’s card ang dumadaan sa post office sa buong mundo, ito ang itinuturing na pinakamaraming season card sending sa buong taon, pangalawa naman ang Christmas card.

***

Noong Pebrero 14, 1537 idineklara ang St. Valentine’s Day sa England bilang opisyal na ho­liday ni King Henry VIII.