Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy app wagi sa NASA coronavirus challenge

0 112

Nakuha ng Pinoy app na GIDEON ang Best of Use Data award sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) COVID-19 Challenge.

Ang GIDEOn o Global Impact Detection from Emitted Light, Onset of Covid-19, and Nitrogen Dioxide ay makatutulong na makakuha ng impormasyon tungkol sa epekto ng pandemya partikular sa ekonomiya at kapaligiran ng iba’t ibang mga bansa.

SM food to go Banner Ad

Gumagamit ito ng mga news feed, Google mobility data, at datos sa bilang ng COVID-19 case para matukoy ang iba’t ibang epekto ng pinatupad na lockdown at mga hakbang sa pagsugpo sa pandemya.

Kabilang sa team na bumuo nito ay sina Nick Tobia, Kristel Joyce Zapata, Theresa Rosario Tan, Miguel Oscar Castelo, at Helen Mary Barrameda mula sa CirroLytix. Nasa 1,400 project ang dinaig ng Pinoy team sa NASA challenge.

Leave A Reply

Your email address will not be published.