Abante Tonite Interactive

Pinoy cancer patient gagamutin ng gobyerno

By
136

Sa pagsasabatas ng National Integrated Cancer Act, makakaasa ang mga kababayan na may cancer na kakampi nila ang pamahalaan sa kanilang laban upang mabuhay.

Ito ang binigyan-diin ni Antipolo City Rep. Cristina ‘Chiqui’ Roa-Puno kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para ganap na maisabatas ang Republic Act (RA) No. 11215 nitong Pebrero 14.

Isa si Roa-Puno sa pangunahing nag-akda ng panukala.

Abante Hiring – IT dep

“This is a step in the right direction in addressing gaps in cancer care in the country. Because of this law, cancer patients will now have a better chance of defeating this terrible disease,” pahayag ni Roa-Puno.

Sa pamamagitan ng bagong batas ay maaalalayan ang mga cancer patient sa pagpapagamot dahil inaatasan ang Department of Health (DOH) na tiyakin na may sapat at abot-kayang presyo ng mga medisina.

“PhilHealth shall also expand its benefit packages to include screening, detection, diagnosis, treatment assistance, supportive care, survivorship follow-up care and rehabilitation, and end of-life-care, for all types and stages of cancer in both adults and children,” ayon sa panukala.

Pasok din sa sickness benefits ng Social Security System (SSS) at disability benefits ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga kawani na kakapitan ng cancer.

Ikukunsidera ang mga cancer patient at cancer survivor bilang person with disability (PWD) na mabibiyayaan ng kaparehong karapatan at pribiliheyo.