Abante Tonite Interactive

Pinoy crew sa mga sinalakay na barko ligtas

411

Walang iniulat na Pinoy na napinsala sa dalawang oil tanker sa magkahiwalay na sinalakay sa Gulf ng Oman noong Hunyo 13, ayon sa labor department.

Ngunit sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga marino ay bibigyan ng tulong upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

“We are extending assistance, if necessary, to our seafarers which include repatriation and protection in high-risk zones,” ani Bello.

Aniya makikipag-ugnayan ang Overseas Worker­s Welfare Administration (OWWA) sa ahensiya ng mga marino para sa kinakailangan nilang tulong.

Ang sinalakay na barko sa Gulp ng Oman, ay ang Marshall-Islands na Front Altair Ship na pinatatakbo ng 11 Filipinos, 11 Russians at isang Georgian, na patungo sa Taiwan mula sa Qatar nang maganap ang pagsabog, ayon sa ulat.

Ayon sa pahayag ng Front Altair, ang mga tripu­lante ay inilipat sa isang Iranian navy vessel at bumaba sa isang lokal na Iranian port. (Mina Aquino)