Abante Tonite Interactive

Pinoy engineer na nagdala ng Internet sa ‘Pinas pumanaw

500

Ipinagluksa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpanaw ng isa sa kinikila­lang nagpasimula ng Internet sa Pilipinas.

Sa Facebook page ng DICT inilabas nitong Disyembre 27 ang panayam kay Engineer Benjamin Tan bilang pasasalamat at pagkilala sa kanyang pamana sa sambayanang Pilipino.

“Benjamin Tan is one of the pioneers in linking up the country’s first connection to the Internet,” ayon sa DICT. “In honor of his legacy, relive his historic contributions according to his own words du­ring the commemoration of the 25th anniversary of Philippine Internet, last March 2019.”

Sa naturang video, inihayag ni Tan na umaasa siyang gagamitin ng mga tao ang Internet para mapabuti ang kanilang buhay.
Ayon sa technology news website na Newsbytes.ph, pumanaw si Tan dahil sa cancer sa lymph node.

Nakilala si Tan bilang engineer na nagkabit ng router kaya nagkaroon ng access sa Internet ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon noong Marso 29, 1994.