Abante Tonite Interactive

Pinoy exodus mapipigilan sa ₱650 minimum daily wage

0 308

Mapipigilan na ang pangingibang bansa ng mga Pinoy para magtrabaho kapag tuluyan nang itaas ang minimum daily wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ang binigyan-diin ni Kaba­yan Party-list Rep. Ron Salo kasabay na ng inihain nitong panukalang gawin nang P650 ang daily minimum wage mula sa kasalukuyang mahigit P500.

Ayon sa kongresista, hindi na mapipilitang mangingibang bansa ang mga Pinoy kung may mapapasukang silang trabaho at may sahod na nakakasapat rin sa kanilang panga­ngailangan likhang mas gugustuhin ng mga Pinoy na mananatili sa bansa para makasama ang pamilya at mahal sa buhay.

“The prevailing inequality and disparity in minimum wage level­s of the different regions in the country is unfair to workers in the countryside,” ayon kay Salo.

Naniniwala ang kongresista na panahon na para sa wage board na ipalasap o ipatikim naman sa mga manggagawa saan mang dako ng bansa ang ginhawa mula sa nata­mong economic growth.

Ang mga pribadong manggagawa ay nagtatrabaho rin ng parehas saan man sila nakadestino ngunit pinasasahod sila ng iba-ibang minimum wages.
Habang kabaligatran naman umano ang nagyayari sa government employees na pinapasahod ng pantay saan man kanilang area of assignment, sa Metro Manila man o malalayong probinsiya.

Ang ganito umanong sistema ang pangunahing dahilan kaya mara­ming mga manggagawa sa probinsiya ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit minsan nalalagay sa ala­nganin ang kanilang kaligtasan.

“What makes the difference in the pay among our government employees is the degree of responsibility and functions assigned to the employee, and not the place of assignment. And yet, for our workers in the private sector, their minimum wages are simply determined by the place or area where they work,” dagdag ng solon. (Eralyn Prado)