Abante Tonite Interactive

‘Pinoy Hachiko’, amo magkapiling na

268

Hihintayin kita sa langit:

Tila reunited at hindi na mapaghihiwalay ang amo at ang kanyang alagang aso nang sumunod na sa kaniyang yumaong ta-gapag-alaga si “Buboy”, ang asong binansagang “Pinoy Hachiko”.

Nag-viral si Buboy kamakailan dahil sa ipinakita niyang loyalty sa pumanaw na amo.

Sa viral post, makikita si Buboy habang matiyagang naghihintay sa labas ng faculty ng isang eskuwelahan na madalas na pinagtatambayan ng pumanaw na guro.

Walang alam ang aso na pumanaw na ang amo na si Carmelito Marcelo.
Isang netizen ang nagbalita na namatay na rin si Buboy dahil sa hit and run.

“Wala na. Patay na rin si Buboy. Rest in peace, baby. Magkikita na kayo ng amo mo. Nakakalungkot. Gaano ba kahirap yung magbagal sa pagpapaandar at huminto kapag alam mong may masasagasaan ka?” sabi ni Trisgyn Nuñez Casimiro.

Inilibing na sa animal cemetery sa Capas, Tarlac nitong Huwebes si “Buboy” matapos ang

matiyagang paghihintay sa yumaong amo.

Sa nakalap na report ay unang inilibing sa bahagi ng Mabalacat City College si Buboy kung saan nagturo ang guro. Gayunma’y naili-pat siya sa animal ce- metery dahil sa inisyatiba ng Animal Kingdom Foundation (AKF).

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng AKF para mapanagot ang nakasagasa kay ‘Buboy’.