Abante Tonite Interactive

Pinoy, handa na ba sa same-sex marriage?

By ,
151

Handa na ba ang kulturang Filipino na yakapin ang reyalidad ng same-sex marriage sa kabila ng maigting na pagtutol ng Simbahang Katoliko na maipasa ang naturang panukala?

Ito ang malaking katanungan na sinubukan na rin namang pag-usapan at iniakyat na sa Supreme Court.

Sa paglipas ng panahon ay dumarami na ang bilang ng miyembro ng LGBT community sa ating bansa. Ilan sa kanila ay nais nang maikasal ngunit sa ilalim ng ating Konstitusyon ay hindi ito ligal. Ito ay dahil sa nakatala sa Family Code na naglilimita sa pagitan ng babae at lalaki ang isang kasal.

Dumarami na rin ang lumalaban para sa karapatan ng mga gustong magpakasal sa loob ng Pilipinas. Kahit ligal ang same-sex marriage sa ibang pi­ling bansa ay nawawalan ng bisa ang legalidad ng kasal sa loob ng Pilipinas.

Marami na rin sa mga Filipino sa ilalim ng LGBT couple ang nagsasama na o “live-in” partners kahit hindi ito aprubado ng mga ligal na papel. Kapalit nito ay ang iilang problema sa pag-aampon, paghahati ng ari-arian at paggamit ng ‘married status’ sa ilang ligal na dokumento.

Gayunpaman ay naging matagum­pay ang kampanya laban sa pagtanggap ng LGBT community sa ating bansa. Patu­nay dito ang mahigit 20,000 na dumalo sa nakaraang Metro Manila Pride March 2018 na ginanap sa Marikina Sports Center. Ayon sa The Global Divide in Homose­xuality ng Pew Research, 73% ang sumang-ayon sa pagsasabatas ng same-sex marriage.

Ngunit sa halip nito ay umabot pa rin ng 61% sa datos ng mga 1,200 Filipino ang hindi ­sumasang-ayon sa pagpapatupad ng same-sex marriage, ayon sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa kabila nito ay umabot naman sa 41% sa 22,085 na bumoto ang nagsasa­bing walang pakialam sa pagsasa­batas ng naturang panukala.

Sa ilalim ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa ay ang paghubog ng halo-­halong opinyon ng mga Filipino ukol sa pagtanggap sa LGBT community. Karamihan sa atin ay unti-unti nang namumulat at naiimpluwensyahan patungo sa pagbukas ng isipan, ngunit mananatili ang same-sex marriage na hangarin hanggang sa tuluyan nang maisabatas. (Juliet de Loza-Cudia/Zirah Mae Sardoma)