Abante Tonite Interactive

Pinoy IM Pascua solo sa tuktok

123

Nasolo ni Pinoy IM Haridas Pascua ang top spot matapos kaldagin si CM Peng Shunkai ng ­China sa eighth at pen­ultimate round ng ­Jolimark (HK) International Chess Open, 2016 sa Hong Kong kahapon.

Nakalikom si No. 4 seed Pascua, (elo 2401) ng 7.5 points sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system at kailangan na lang niyang itabla ang huling laro para masikwat ang titulo at makapagbigay muli ng karangalan sa Pilipinas.

Nasa likuran ni Pascua ang isa pang Pinoy woodpusher na si IM Oliver Dimakiling na pinisak si No. 2 seed GM Samy Shoker, (elo 2492) ng Egypt.

Tangan ni Dimakiling ang 6.5 pts at kasalo niya sa second spot si Shoker.

Tonite – Wendys Inhouse Ad