Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy kinalma sa FB ban

0 280

Pinawi ng Malacañang ang agam-agam ng milyon-milyong Facebook users sa posibilidad na i-ban ng gobyerno ang Facebook sa bansa.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan na kumukuwestiyon sa ginawa ng Facebook na pag-alis sa ilang facebook book pages na nagsusulong umano sa adbokasiya ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala namang sinabi ang Pangulo sa kanyang talumpati na i-ban ang facebook sa Pilipinas.

Malinaw aniya ang sinabi ni Presidente na kailangang mag-usap ang gobyerno at ang mga opisyal ng Facebook para hindi lamang interes ng iisang sektor ang pinapanigan at gawing dehado ang mga adbokasiya ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.