Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy mangingisda hinarang ng Chinese coast guard

0 108

Ibinunyag ng mangingisda sa Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea na hinarang ng Chinese Coast Guard kamakailan na tila kukuyugin siya ng mga ito dahil bukod sa humarang sa kanya ay papunta ang iba pang mga barko sa kanilang direksyon.

Sa panayam sa radyo, inamin ni Larry Hugo, ang mangingisda na nakakuha ng video at larawan ng mga Coast Guard mula China, na habang hinarang siya ay kitang-kita niya na papalapit ang ibang mga barko. Kwento niya nasa pito ang kabuuang bilang ng mga barko.

“Kulay puti ang barko. Coast guard. Tatawid sana ako, maya-maya kunti akala ko dadaan lang (ang barko ng China) bigla huminto sa harap ko po,” pag-aalala ni Hugo.

“Bale pitong barko andun iba tumatakbo din papunta doon. Papalapit din sa lugar na iyun,” sabi ni Hugo.

Inamin pa ni niya na nagkaroon na siya ng matinding trauma at takot na pumalaot, bunsod sa nangyari.

Dagdag pa niya, sa 13 taon niyang pagiging mangingisda sa Isla ng Kalayaan, ngayon lang ito nangyari. (Kiko Cueto)

Panoorin: Bagong China coastguard law magdudulot panganib sa mangingisdang Pinoy

Leave A Reply

Your email address will not be published.