Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy marino ‘wag hayaan mabulok sa barko – Duterte

0 62

Pinakilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs para tulungan ang mga marinong Pinoy na naiwan at na-stranded sa mga barkong pinaglilingkuran matapos maghigpit dahil sa COVID pandemic.

Sa kanyang talumpati nitong Lunes, sinabi ng pangulo na ilan sa mga na-stranded sa mga barko ay nahawa na ng COVID-19 at hindi maipagamot dahil hindi pinapayagang makadaong ang kanilang barko.

Inatasan ng Presidente ang mga embahada na humingi ng tulong sa gobyerno ng mga bansa kung saan naroon ang mga stranded na Pinoy seamen para mapauwi ang mga ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Dagdag nito, “Nakakaawa ang mga ito and it pains me to realize that nandito ako and I cannot help Filipinos who are struggling even just to exist and not to live.” (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.