Abante Tonite Interactive

Pinoy OFW sa Tripoli, Libya pinauuwi na

0 213

Nanawagan kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na lisanin na ang Tripoli at Libya at hinimok na kagatin ang alok ng pamahalaan na umuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil sa patuloy na kaguluhang nagaganap sa nabanggit na bansa.

Ayon kay DFA Chargé d’Affaires Elmer Cato, hinimok na nila ang mga Pinoy na naka­base sa Tripoli at Libya na magboluntaryo nang makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan para sa proseso ng kanilang mga dokumento para makauwi sa Pilipinas bago pa man lumala ang kaguluhan sa Libya.

Ang panawagan ng DFA ay para sa kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy na nakabase sa naturang bansa bunsod na rin sa kakaunti lamang ang bilang na gustong umuwi. ­(Armida Rico)