Abante Tonite Interactive

Pinoy rider Lim, Peralta, Quinta, Navarro pepedal

By
69

Makikilatis ang tikas ng Pinoy riders sa papad­yakan ng 8-day 2.2 UCI event, Tour de Singkarak sa West Sumatra, Indonesia.

Dalawang Philippine team ang sasabak sa event na sisipa bukas at magtatapos sa Nobyembre 11.

Ibabandera ng 7Eleven Road Bike Philippines sina Rustom Lim, George Oconer, Marcelo Felipe, Arjay Peralta, Bonijoe Martin at Warren Bordeous.

Umalis na ang grupo noong Huwebes nang gabi para samahan ang Go for Gold squad na dumiretso agad sa Lingarjarti race sa Sumatra.

Ipinarada ng Go for Gold ni Jeremy Go sina Jonel Carcueva, Ronillan Quinta, Elmer Navarro, Ismael Grospe, Jay Lampawog at Ronnel Hualda habang ang Team Director ay si Ednalyn Hualda.

Makakalaban ng mga Filipino rider ay manggagaling sa 19 Continental teams, lima sa host Indonesia, 3 sa Malaysia, 2 sa Iran at ang iba ay Japan, China, South Korea, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, Germany at Australia.
May kabuuang 1,200 kilometer ang pepedalan kung saan bawat stage ay may mga akyatin.

Ang best resulta ng Pilipinas ay 9th place kay Felipe sa General Classification at 3rd para sa 7Eleven sa Team standings ng 2015 at 2016 editions.