Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy sa bansang may travel ban puwede umuwi

0 356

Nilinaw ng Malacañang nitong Linggo na pinapayagang umuwi ang mga Pilipinong nasa mga bansang sakop ng ipinatupad na temporary travel ban kontra COVID-19 lalo na kung kasama sila sa isinagawang repatriation ng pamahalaan.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng anunsiyo na pinalawig ng pamahalaan ang travel ban sa mga biyaherong galing India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hunyo 30.

Ayon kay Roque, puwedeng makauwi ang mga Pinoy mula sa mga nabanggit na bansa subalit kailangan lamang sumailalim sa quarantine at testing protocol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Let it be clear, however, that Filipinos covered by the repatriation programs of the government and repatriation activities of manning/recruitment agencies cleared by the Bureau of Quarantine are not prohibited from entering the Philippines,” ayon kay Roque.

Binigyang-diin uli ng kalihim na kinailangan palawigin ang travel ban para matiyak ang istriktong border control laban sa Delta variant na unang na-detect sa India at sinasabing mas mabagsik na COVID-19 variant.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.