Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy sa Sri Lanka nagpasaklolo

0 79

Nababahala na ang Filipino community sa Sri Lanka dahil pahirapan na ang pagbili ng mga pangunahing bilihin doon sa kakapusan ng stock ng mga pagkain sa groceries.

Sa ulat, bagsak ang ekonomiya ng bansang Sri Lanka dahil sa sinasabing pagkabaon nito sa $51 bilyon utang.

Sa kabila ng matinding epekto sa mga Filipino hinggil sa pagbagsak ng ekonomiya sa Sri Lanka, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin umano sila sa repatriation plan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Maging ang pagbili ng gasolina sa Sri Lanka ay pahirapan na rin na sa katunayan ay umaabot na umano ng magdamag ang pila para lang makapagpakarga ng gasolina.

Reklamo na rin ng mga nasa 700 Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan duon na sobrang mahal na ang presyo ng mga plane ticket kaya naman nagpaabot na ng panawagan ang mga ito sa pamahalaan ng Pilipinas para sa repatriation efforts. (Beth Camia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.