Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy scholar kailangan ng Russia

0 61

Hinikayat ng Russian government ang mga estudyanteng Pinoy na mag-apply ng scholarship grant sa kanilang mga unibersidad.

Ayon kay Committee on People Participation chair San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes, una ng naglaan ng mga slot ang Russian government para sa scholarship ng mga Pinoy pero kaunti lang ang nag-avail nito.

Dahil dito, hinikayat ni Robes ang mga kapwa mambabatas na maglunsad ng information drive sa kanilang mga lugar para ipaalam ang alok ng gobyerno ng Russia.

Sa idinaos na pulong, sinabi ni Russian Embassy Second Secretary Denis Karenin na nagbibigay sila ng scholarship grant para sa mga undergraduate at post-graduate courses. Maaaring makuha ang application form sa kanilang embassy website.

Kabilang sa mga bukas na kurso ang nuclear physics, agriculture, medicine, energy, railway management, at iba pa. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.