Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinoy senior citizen sa US binugbog, hinoldap

0 74

Isang 83-anyos na Pilipino sa Amerika ang nag-aagaw buhay matapos siyang pasukin sa bahay, gulpihin at pagnakawan noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa isang ulat, nangangalap ngayon ng pondo ang pamilya ng biktimang si Mauricio Gesmundo Sr., naninirahan sa Philadelphia upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng matanda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng pulisya, nag-iisa sa bahay niya sa Fairhill Street si Gesmundo alas-tres ng madaling-araw nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek, bugbugin, lagyan ng duct tape, itali at kaladkarin.

Hindi pa umano nakuntento, tinangay din ng suspek ang $30,000 nitong pera at iniwan ang biktima na duguan at nakatali pa.

Nasa intensive care unit ngayon ng Temple University Hospital si Gesmundo dahil sa matinding pagdurugo ng utak. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.