Abante Tonite Interactive

Pinoy spikers kopo ang pilak

272

Silver medal ang naibagahe ni Marck Espejo at national men’s ­volleyball team nang muling ­yumuko kontra Indonesia sa finals, 21-25, 25-27, 17-25, 30th ­Southeast Asian Games Martes nang gabi sa ­PhilSports Arena, Pasig City.

Nanguna sa opensa ng national team si Espejo na umiskor ng 15 points habang saklolo si Bryan ­Bagunas ng 11 markers sa kabiguan ng Pinoy spikers na mabawian ang preliminaries tormentor nitong Biyernes.

Napantayan ng Nationals ang ­silver medal finish sa Malaysia 1977 SEA Games.
Bumida para sa Indonesians sina Doni Haryono na may 20 pts., ­Rivan Nurmulki na naka-17, at Sigit ­Adrian na umiskor ng 11.

Bronze winner naman ang ­Thailand na tinaob ang Myanmar, 25-23, 25-16, 25-20. (Janiel Abby Toralba)