Abante Tonite Interactive

Pinoy surfer sinakripisyo ang medalya, Indon sinagip

596

Tunay na kaugailang Pinoy ang ipinakita ni surfer Roger Casugay nang i-rescue ang isang foreign competitor na si Mencos Cosomen tapos anurin ng 10-foot wave Biyernes sa San Juan, La Union.

Sa kalagitnaan ng labanan biglang naputol ang tali o ‘leash’ ng Indonesian long board champ na si Cosomen dahil sa malalaki at malalakas na alon sa dagat. Isinalba pa rin siya ni Casugay nang balikan ito at sabay silang bumalik sa pampang gamit ang nag-iisang surf board.

Kasalukuyang hold muna ang surfing competition sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 dahil sa insidente. Pero patok ang ginawa ni Casugay sa socmed.
“Great job Roger. You have the heart of a champion,” anang isang Tina Hugh Aguilar.

Kabilang ding sa mga sumaludo agad kay Casugay si actress/TV host Anne Curtis. (AE)