Abante Tonite Interactive

Pinoy tinumba sa Canada

468

Todas ang isang Pinoy matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Winnipeg, Canada.

Kinilala ang biktimang si Joselito Fernandez, 53-anyos, tubong-Bicol.

Natagpuan si Fernandez ng mga rumespondeng pulis na nakahandusay sa riles ng tren malapit sa Tommy Prince street alas-tres namg madaling-araw noong Biyernes Santo.

Nadala pa sa ospital si Fernandez pero namatay din.

Ayon kay Const. Jay Murray, naganap ang pamamaril sa isang commercial area Selkirk kaya umaasa ang mga imbestigador na may nakakita sa pangyayari.

Ginagalugad na rin ng mga pulis ang naturang lugar para tingnan ang mga security camera para makilala ang nasa likod ng pamamaril. (Dave Llavanes Jr.)