Abante Tonite Interactive

Pinoy virus carrier sa Japan gumaling

452

Ibinalita ng Philippine Embassy sa Tokyo, Japan na magaling na ang isang Pilipino na nagposi­tibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-2019) at nakatakda na itong lu­mabas ng ospital.

Sa pahayag ng embahada nitong Miyerkoles, inanunsyo nito na maa­yos na ang kalagayan ng Pinoy na kabilang sa mga crew ng Diamond Princess cruise ship na dumaong sa Japan.

Ipinasok sa isang ospital sa Japan ang hindi pinangalanang Pinoy noong Pebrero 5 at naging matagumpay naman umano ang paggagamot dito.

Gayunman, kasabay nito ay ibinalita rin ni Embassy Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar na anim pang Pinoy na sakay ng cruise ship ang nagposi­tibo sa COVID-19.

Sa ngayon aniya, nasa 40 Pinoy na ang tinamaan ng COVID-19 sa Diamond Princess. (PNA)