Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinsala ni `Odette’ pumalo sa P300M

0 153

Umabot na sa P308.9 milyong halaga ng mga imprastraktura ng gobyerno ang winasak ng bagyong `Odette’ sa Visayas at Mindanao, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pahayag ng DPWH, walong national road ang hindi pa rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan sa Mimaropa, Eastern Visayas, Soccsksargen at Caraga hanggang kahapon ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Limitado rin ang pagpasok sa Northern Mindanao at Caraga dahil sa mga baha, landslide, nagbagsakang mga puno at poste ng kuryente at pinsala sa mga tulay.

Samantala, may 29 lansangan ang nalinis na umano at muling binuksan ng DPWH Quick Response Team mula sa mga regional at district engineering office. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.