Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinsala ni Ulysses lampas P10B na

0 156

By SDC

Pumalo na sa P10.1 bilyon ang naitalang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura sa bansa.

P6.1 bilyon ang nawasak sa imprastraktura habang P4 bilyon naman sa agrikultura, ayon sa National Disaster Risk Reduction on Management Council ngayong Huwebes.

“We have reached now a damage assessment worth now P4 billion for agriculture and P6.1 billion in infrastructure damage assessment,” wika pa ni NDRRMC spokesperson Peter Paul Galvez sa isang press briefing.

Matapos manalasa ni Ulysses sa iba’t ibang sulok ng Luzon noong nakaraang linggo, nawasak ang 65,222 tirahan.

“Most of the damaged houses are in Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija and Pampanga. Both ‘yung totally and partially destroyed houses… Bulacan kasi as of today, the current count is 2,655 totally damaged houses,” wika pa ni Galvez.

Nananatili naman aniya sa 73 ang bilang ng namatay, habang 24 ang nasugatan at 19 ang nawawala matapos ang naturang bagyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.