Abante Tonite Interactive

Pinsan ni Andal Ampatuan, bagong DA usec

428

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong undersecretary for regulations ng Department of Agriculture (DA) si Engr. Zamzamin Lumenda Ampatuan kapalit ng nagretirong si Segfredo Serrano nitong nakaraang buwan.

Si Lumenda, 56-anyos, ay sinasabing kamag-anak umano ng mga Ampatuan na nasentensiyahang guilty nitong nakaraang December 19 sa kontrobersiyal na Maguindanao massacre.

Siya ay nakatatlong termino bilang alkalde sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao, at pinsan niya si Andal Ampatuan Sr., na sinasabing mastermind sa 2009 Maguindanao massacre, subalit namatay ito bago ang promulgasyon.

Ayon sa isang panayam kay Lumenda, malaki umano ang kanyang maiaambag na tulong kay DA Sec. William Dar sa mga programa nito upang matiyak ang ‘food-for-all’ at mapahusay ang kontribusyon sa sektor ng agrikultura sa bansa.

“I would be bringing in my technical background to address the issue of agricultural logistics, infrastructure and engineering, which at this point has not been fully appreciated as a key component in supporting our far­mers and modernize agricultural production in our country,” anang bagong DA Usec.

Nabatid na bilang bagong agriculture undersecretary, ito na ang ika-siyam na natanggap niyang presidential appointment, at itong pinakahuli ay ang pagiging undersecretary for power and climate change sa Department of Energy. (Dolly Cabreza)