Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinsan niratrat ng 6 beses sa basketball court

0 185

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng kanyang pinsan sa Balete, Batangas Sabado ng umaga.

Kinilala ng Balete police ang nasawing si Marlon Linatoc, 37, ng Barangay Malabanan.

Sa report ng pulisya, alas-8:30 ng umaga, nakaupo sa kanyang tricycle ang biktima na nakaparada sa isang basketball court nang lapitan ng kanyang pinsan na si David Linatoc Jr., 54, ka-barangay ng biktima.

Bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek at walang habas na pinagbabaril ang pinsan.

Dead on the spot ito habang agad namang tumaks ang suspek.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre .45.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at pinaghahanap na ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.