Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinsan sinibak, bisor 2 beses binaril

0 259

ARESTADO ang isang security guard nang dalawang beses nitong tangkaing barilin ang isang site supervisor matapos umanong ipatanggal sa trabaho ang pinsan nito sa Silang, Cavite Linggo ng gabi.

Kasong attempted murder ang kinakaharap ng suspek na si Aljon Dagium Mabandos, 28, dahil sa reklamo ni Joshua Tianzon, 34, isang Site Supervisor.

Sa ulat ni Pat Ralph Jason Santos, ng Silang Police Station, bago ang insidente ay nagsasagawa umano ng site inspection ang biktima sa isang construction sa Purok 4 Brgy Biga 2, Silang Cavite dakong alas-9:40 Linggo ng gabi nang lapitan siya ng suspek na sekyu sa lugar at walang sabi-sabing binunot ang kanyang service firearm at ipinutok sa biktima subalit hindi gumana ang kanyang baril.

Tinangka ng biktima na tumakbo patungo sa isang checkpoint subalit hinabol siya ng suspek at nang

SM SuperKidsDay Banner Ad

makorner ay muling tinutukan ng baril at kinalabit ang gatilyo subalit hindi ulit gumana hanggang sa dumating ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol at limang bala.

Ayon kay Santos, galit ang suspek sa biktima matapos umanong ipatanggal sa trabaho ang kanyang pinsan na isa ring sekyu. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.