Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pintakasi ng mga manggagamot at maysakit

0 121

Ginugunita ngayong araw ang Pista ni San Antonio Zacarria, ang Patron ng mga manggagamot at maysakit. Ipinanganak si Antonio sa Cremona, Italy noong 1502. Ang kanyang ama ay pumanaw nang siya at bata pa, kaya’t ang kanyang ina ang mag-isang nagpalaki sa kanya.

Dahil bata pang nabiyuda, inilaan nalang ng kanyang madasaling ina ang sarili kay Antonio. Hindi na ulit ito nag-asawa, bagkus tumalikod sa mga bagay-bagay ng daigdig, hinarap na lamang ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa, at ginugol ang sarili sa pag-aaral ng anak.

Nakatapos ng medisina si Antonio. Namana niya ang kabanalan ng kanyang ina, kaya’t tinalikuran niya ang propesyon bilang doktor upang maging manggagamot ng mga kaluluwa bilang isang pari. Dahil laganap noon ang kamangmangan sa pananampalataya, inubos nito ang oras sa pagtururo ng Katesismo.

Nagturo si Padre Antonio sa Milan noong 1503 upang tumulong sa pagpagpapalaganap at pagpapaliwag ng Salita ng Diyos. At doon naisipan niyang itatag ang grupo ng mga pari na di kalaunan ay tinawag na ‘Barnabites’ na may layong puksain ang laganap na kamangmangan sa pananampalataya.

SM food to go Banner Ad

Sa pagkahabag sa maraming babaeng napariwara, itinatag din ni Antonio sa tulong ni Luisa Torelli, Condensa ng Gustala, ang samahang ‘Angelicus’ o mga madreng katuwang niya sa pag-ampon at paglingap sa mga makasalanan. Taong 1530 nang opisyal na kilalanin ng Simbahan ang kongregasyon ni Antonio bilang ‘Clerics Regular of St. Paul.’

Di kalaunan nagkasakit si San Antonio dahil sa kanyang walang-kapagurang pangangaral sa mga tao at sa pagsasakripisyo. Binawian siya ng buhay sa edad na tatlumpu’t anim noong Hulyo 5, 1539 habang ipinagdiriwang ang Pista nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Tatlong dekada matapos ang kanyang kamatayan, nadiskubre na ang kanyang katawan ay walang bahid ng anumumang pagka-agnas. Si Antonio ay idineklarang Santo ni Pope Leo XIII noong 1897. Palagiang habilin ni San Antonio sa kanyang mga tagasunod, “Ang nabubuhay nang malinis ay pagpapalain ng Maykapal sa buhay na ito at sa kabila.”

San Antonio Maria Zacarria, Ipanalangin Mo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.